Ang Kaya naman makikita sa kwento na hindi

Ang mga bata ay natural na mausisa o matanong ukol sa mgabagay bagay na nasa paligid nila. Habang unti-unting nasasagot ang bawat katanungansa mga mumunting isip nila, unti-unti rin silang namumulat sa kung ano batalaga ang mayroon sa mundo; ang kasalukuyang kalagayan nito at pati na rin angkinalalagyan nila sa lipunang marahas at walang pakialam.            Nagsimulasi Jhun-Jhun bilang isang batang tuso, matalino, at maalam sa mga taktika nakanyang ipinapamalas sa kanilang paglalaro ng tumbang-preso.

Makikita rin nasiya ay isang batang mapagmahal sa kanyang pamilya at malapit rin sya sanakakatanda niyang kuya Jaime.            Musmos palamang ang pag-iisip ni Jhun-jhun kaya naman siya ay naninibago sa mgatransisyon o pagbabago na nangyayari sa kanilang pamilya lalo na at ang kuyaJaime niya ay nagtatrabaho na at mas dumarami na rin ang responsibilidad. Kayanaman isa ito sa mga naging tunggalian sa kwento kung saan si Jhun-jhun aynagkaroon ng tampo sa kaniyang kuya at nagkaroon din ng mga palaisipangbumabagabag sa kanya kung bakit ganoon na lamang ang pagbabago na nangyayari sarelasyon nila ng kuya Jaime niya.            Angpagiging curious ni Jhun-jhun ukolrito ay ang nag-angat ng aksyon na humantong sa pangunahing tunggalian ngkwento.

We Will Write a Custom Essay Specifically
For You For Only $13.90/page!


order now

Matapos sundan ni Jhun-jhun ang kaniyang kuya, siya ay namulat sa mgapangyayari sa labas ng kanilang musmos na laro ng tumbang preso. Dito na pumapasokang pangunahing tunggalian ng tauhan, si Jhun-jhun laban sa lipunan. Dito syanamulat sa karahasan ng mundong kanyang ginagalawan.

Tuluyan siyang binago ngmga pangyayaring ito. Nawala sa piling niya ang kanyang kuya, at mag-isa niyanghinarap ang marahas na lipunan. Hindi na siya ang musmos na Jhun-jhun nahanggang tumbang preso at larong pambata lamang ang ginagawa. Hawak hawak padin ang tsinelas ng kaniyang Kuya Jaime, nakita niya na hindi lang ang baluktotna lata ng Liberty kondensada angpinapatumba, kundi ay may mas malaking kabaluktutan pala sa lipunan na dapatpatumbahin upang makamit ang ‘Liberty’o kalayaan.

           Ipinapahiwatig din sapamagat na mas matindi pang pangyayari ang haharapin ni Jhun-jhun pag-dating ngmartial law. Kaya naman makikita sa kwento na hindi dapat ikulong ang mgakabataan sa kanilang kamusmusan. Dapat din silang unti-unting turuan, gabayan,at imulat sa kalagayan ng ating lipunan dahil sila ang may kakayanan at pag-asana patumbahin ang mga dagok na nakapalibot sa ating bansa.

x

Hi!
I'm Mary!

Would you like to get a custom essay? How about receiving a customized one?

Check it out